12 mangingisda nawala sa karagatan

IBA, Zambales – Labindalawang mangingisda ang iniulat na nawawala at hindi pa nakakabalik matapos ang mga ito ay pumalaot sa karagatan noong kasagsagan ng malakas na ulan.

Kinilala ang mga nawawalang mangingisda na sina Roman Maniago, Richard Fermil, Randy Magdayao, Alfredo Crisostomo Jr., Nelson Larawan, Christopher Matillon, Anton Ablog, isang nangangalang Emmanuel at Jamil at tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na kapwa residente ng Bgy. San Miguel, San Antonio, Zambales.

Nabatid sa ulat na magkakasabay na pumalaot ang mga mangingisda noong Huwebes ng madaling araw nang ito umano ay abutin ng malakas na pag-ulan at malalaking alon na naging dahilan para balyahin ang mga bangka nito.

Patuloy ang pagsasagawa ng search and rescue operation ng Philippine Coast Guard. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments