^

Probinsiya

PR man ni Bong Revilla todas sa ambush

-
BACOOR, Cavite – Namatay noon din ang isang reporter at umanoy PR man ni dating Cavite Governor Ramon "Bong" Revilla Jr., matapos na ito ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang papalabas ng isang eskinita kahapon ng umaga sa Bgy. Zapote 4 ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng pitong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Dennis Ramos, 36, may-asawa, reporter ng lokal na diyaryong Boses at residente ng San Nicolas, Bgy. Molino 1 ng nasabing lalawigan.

Hindi pa nakikilala ang apat na suspek na pawang mga armado ng maiigsing baril na kaswal lang na naglakad sa kanilang pagtakas matapos siniguradong patay na ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Arboleda, may hawak ng kaso na dakong alas-11:30 ng umaga ay naglalakad si Ramos palabas ng eskinita galing sa kanyang ninong na nakilalang si Angel Bulag.

Hindi alam ni Ramos na nag-aabang na ang mga suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril sa ibat-ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Si Ramos ay batikang reporter at sumulat na sa ilang pahayagan at pinakahuli ay ang Boses at dito siya tinaguriang Birador na pawang isinusulat nito ay pagpuna sa mga mali at katiwalian na ginagawa ng ilang pulitiko at opisyal ng pamahalaan sa lalawigan ng Cavite.

Tatlong anggulo ang tinitingnan ng pulisya kung ang pagpatay kay Ramos ay may kaugnayan sa droga, illegal gambling at pulitika. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ANGEL BULAG

BGY

CAVITE

CAVITE GOVERNOR RAMON

CRISTINA GO-TIMBANG

DENNIS RAMOS

RAMOS

REVILLA JR.

RODOLFO ARBOLEDA

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with