^

Probinsiya

2 miyembro ng Abu Sayyaf nalambat

-
Dalawang binansagang "Berdugo" ng mga bandidong Abu Sayyaf na itinuturong sangkot sa pamumugot ng mahihirap na hostages na walang pambayad ng ransom ang nadakip habang papatakas sa kordon ng militar sa isinagawang checkpoint sa Lamitan, Basilan, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang naarestong ASG na sina Ibrahim Bowak at Muddas Sabinul.

Batay sa ulat na natanggap kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, ang mga suspek na nasakote matapos magbigay ng impormasyon ng isang asset ng militar na nakatakda nang pumuslit anumang oras sa nasabing lugar upang umiwas sa massive strike operations sa lalawigan.

Napag-alaman na bandang alas-7:00 ng gabi nang magpanggap na sibilyan ang mga suspek upang lumusot sa kordon ng militar nang masabat ng mga nagbabantay na sundalo sa isang checkpoint sa Sitio Baguiniao, Brgy. Balobo, Lamitan, Basilan.

Ang mga suspek ay nagtakip pa sa kanilang mukha ng turong (pambalabal ng Muslim) upang di sila makilala subalit naging maagap ang mga tauhan ng Charlie Company ng 18th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Apat sa mga witnesses na hawak ng militar ang positibong nagturo sa mga suspek na siyang namugot sa ilang mahihirap na hostages na karamihan ay mga kalalakihan matapos salakayin ng pamayanan ng mga Kristiyano sa Brgy. Balobo sa bayan ng Lamitan noong gabi ng Agosto 1 ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BALOBO

BASILAN

BRGY

CHARLIE COMPANY

CHIEF OF STAFF GEN

DIOMEDIO VILLANUEVA

LAMITAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with