200 puno ng marijuana nasamsam
August 24, 2001 | 12:00am
NAIC, Cavite Tinatayang aabot sa 200 puno ng marijuana ang nasamsam ng mga miyembro ng Naic PNP makaraang magsagawa ng biglaang pagsalakay sa Brgy. Palange Central ng bayang ito kahapon ng umaga.
Napag-alaman kay P/Chief Insp. Reynaldo Galam, hepe ng Naic PNP na sinalakay nila ang bahay ni Anacleto Paraiso bandang 6:30 ng umaga at nadiskubreng ito ay may tanim na 200 puno ng marijuana sa likurang bahagi ng bahay.
Hindi naman inabutan ng pulisya si Paraiso sa kanyang tahanan nang magsagawa ng biglaang pagsalakay at kasalukuyang pinaghahanap pa sa hindi ibinunyag na lugar.
Kasabay nito, nagsagawa naman ng operasyon ang Naic PNP sa apat na videoke bar sa kahabaan ng Brgy. Poblacion 5 ng bayang ito at inaresto ang may 16 kababaihang nagsisilbing mga GRO na pawang mga walang health permits mula sa Naic City Health Office.
Ayon sa ulat, ang mga sinalakay na videoke bar ay ang Libra, Daddys Noel, Jennifer at Fresh Aircon na kasalukuyang kakasuhan ni Naic Mayor Efren Nazareno. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended