Kuya patay kay utol

NAGA CITY — Isang 30-anyos na lalaki ang napagtripang saksakin at napatay ng kanyang nakababatang kapatid habang ang biktima ay nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay sa Bagumbayan Sur, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Wilson Llorando, 30, binata, laborer ng naturang lugar.

Isinuko naman ng kanilang kapatid ang suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell na si Wilberto Llorando, 28, may asawa, laborer ng nabanggit ding lugar.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen na naganap bandang alas-10:30 ng gabi sa labas ng bahay ng magkapatid. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments