Natitirang suspek sa Espinosa murder, sumuko
August 23, 2001 | 12:00am
MASBATE CITY Sumuko na sa mga awtoridad ang itinuturing na pinakahuling suspek na bumaril at nakapatay kay Masbate Mayor Moises "Jun" Espinosa, Jr., kamakalawa ng umaga.
Ang suspek na isang preso sa Masbate provincial jail dahil sa kasong murder ay kinilalang si Alexander Bermoy, 35, may asawa, ng Brgy. Buenavista, Uson, bayang ito.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na boluntaryong sumuko si Bermoy bandang alas-8:30 ng umaga at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kasalukuyang nakalalabas pa ng nabanggit na kulungan.
Si Bermoy ay positibong kinilala ng mga testigo na bumaril kay Mayor Espinosa sa loob ng plaza sa Brgy. Bantigue noong Agosto 9 ng madaling araw.
Samantala, sinampahan na ng kasong multiple murder sa Masbate Prosecutors Office ang mga nadakip at sumukong suspek sa Espinosa murder. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest