Binata patay sa bodyguard ng vice-mayor
August 23, 2001 | 12:00am
MARAGONDON, Cavite Isang 22-anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng bodyguard ng vice-mayor makaraang tumutol ang biktima sa pakikipagrelasyon ng kanyang ina sa suspek sa Brgy. Garita ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng siyam na tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Erwin Casasola, binata ng nabanggit na lugar habang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Leopoldo Icasiano, 60.
Nabatid kay P/Sr. Insp. Paraiso Eseque na ang suspek ay kasalukuyang bodyguard umano ni Maragondon Vice Mayor Crisologo Arandia.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Julio Riman, may hawak ng kaso, naganap ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi matapos magtalo ang dalawa tungkol sa pakikipagrelasyon ng suspek sa ina ng biktima.
Bago naganap ang pangyayari ay inanyayahan na rin ang dalawa ng barangay captain upang maayos ang namamagitang alitan subalit hindi sumipot ang biktima sa isasagawang pagpupulong hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest