^

Probinsiya

P36-M marijuana sinunog

-
TABUK, Kalinga — Umaabot sa dalawampu’t isang ektaryang lupain na pinagtatamnan ng marijuana na may halagang P36 milyon ang iniulat na sinunog ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar noong Agosto 13 sa bulubundukin ng Chalanap, Tinglayan, Kalinga.

Umaabot naman sa 125 miyembro ng 21st IB ng Phil. Army at Kalinga PNP ang nagsagawa nang pagbubunot ng mga puno ng marijuana upang sunugin.

Nabatid kay PNP Kalinga Provincial Director P/Supt. Elmer Macapagal at Lt. Col. Pedro Dulos, Jr. ng Phil. Army na bago magsagawa ng pagsalakay ang kanilang mga tauhan ay nagsagawa muna ng aerial view si Kalinga Governor Macario Duguiang kasama ang ilang miyembro ng provincial board upang kumpirmahin ang mga napapaulat na may malalawak na plantasyon ng marijuana sa naturang lugar.

Napag-alaman pa sa mga awtoridad na nasanay nang gumawa ng hashish oil at powder mula sa pinatuyong dahon ng marijuana ang mga katutubo na ipinagbibili sa mga dumarayong turista.

Ipinahayag pa ni Macapagal na noong nakaraang Hulyo lamang ay nakakumpiska na sila ng tone-toneladang marijuana na may halagang P75 milyon sa boundary ng Benguet, La Union, Ilocos Sur na tinaguriang ‘Golden Triangle’. (Ulat ni Artemio Dumlao)

AGOSTO

ARTEMIO DUMLAO

ELMER MACAPAGAL

GOLDEN TRIANGLE

ILOCOS SUR

KALINGA

KALINGA GOVERNOR MACARIO DUGUIANG

KALINGA PROVINCIAL DIRECTOR P

LA UNION

PEDRO DULOS

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with