2 sundalo, 3 sibilyan todas sa encounter
August 22, 2001 | 12:00am
Dalawang sundalo at tatlong sibilyan ang napatay habang isa pa ang nasugatan makaraang magsagupa ang tropa ng mga sundalo at ng grupo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Cebu City, kamakalawa.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos, kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Corporals Jose Ferales at Joseph Feria, pawang Scout Rangers at miyembro ng Task Force Cebu.
Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng mga nasawing sibilyan na kinabibilangan ng isang tatlong taong gulang na batang lalaki na pawang naipit sa mainitang bakbakan.
Naitala ang engkuwentro dakong alas-10:25 ng umaga sa Brgy. Kabalawan sa Sogod, Cebu City.
Ang nasugatang sundalo ay nakilala namang si Staff Sgt. Antonio Salinas, team leader ng operating troops.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang Task Force Cebu hinggil sa presensiya ng grupo ng mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar.
Agad namang nagresponde ang mga sundalo subalit habang papalapit pa lamang ang Task Force Cebu sa nasabing lugar ay nagpaputok na ang mga rebelde.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng limang biktima habang pinaniniwalaan ring marami ang casualties sa panig ng nagsitakas na mga kalaban. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest