Pulis nagduelo: 1 patay, 1 grabe
August 21, 2001 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Isang miyembro ng pulisya ang iniulat na nasawi habang isa pang pulis ang malubhang nasugatan makaraang magbarilan noong Agosto, 16 ng gabi sa Adriano St., Brgy. Uno, Laoag City.
Kinilala ni PNP Regional Director P/Sr. Supt. Arturo Lomibao ang nasawing pulis na si SPO1 Hilario Laganse, Sr., 46, may asawa ng Brgy. 4, Sarrat, Ilocos Norte habang malubhang nasugatan naman si PO2 Antonio Pascual, 43, may asawa ng nabanggit ding lugar.
Idineklarang patay sa Gov. Roque Ablan Memorial Hospital si Laganse dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan habang si Pascual ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo sa bahay ni Pascual ang nasawing pulis na si Laganse at sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang komprontasyon.
Ayon sa mga kapitbahay ni Pascual, nakarinig na lamang sila ng sigawan hanggang sa magkaputukan sa loob ng bahay.
Ilang minuto matapos ang putukan ay tinungo ng mga kapitbahay ang bahay ni Pascual at bumungad sa kanila ang dalawa na nakabulagta kaya pinagtulungan nilang dalhin sa naturang hospital. (Ulat ni Zaldy Dacanay)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Jorge Hallare | 15 hours ago
Recommended