^

Probinsiya

6 katao patay sa dengue, 392 malubha

-
CATBALOGAN, Samar – Tinatayang umaabot na sa anim katao ang iniulat na namamatay habang aabot naman sa bilang na 392 ang kasalukuyang naapektuhan dahil sa virus-carrier mosquitoes na tinaguriang dengue sa Eastern Visayas, ayon sa ulat ng Department of Health regional office.

Base sa record ng DOH Regional Epidemic Surveillance, umaabot na sa 5, 591 pasyente ang dinapuan ng nakamamatay na sakit na dengue habang may 39 naman ang nasawi magmula pa noong 1998.

Base sa pinakahuling ulat na pagmo-monitor, umaabot na sa 35 kaso ng dengue sa Northern Samar; 34 sa Samar; 27 sa Eastern Samar; 15 kaso sa Southern Leyte at 10 naman sa lalawigan ng Biliran.

Sa lahat ng lalawigan, ang Leyte ang pinakamataas na bilang ng apektado ng dengue fever na umabot na sa 271 kaso.

Sinabi ng mga ekspertong doctor na ang Dengue H-Fever ay isang infectious disease na likha ng virus transmitted sa pamamagitan ng kagat ng mosquito na tinatawag na Aedes Aegypte at Aedes Albopictus at ito ay sumasalakay sa umaga sa paligid ng bahay, eskuwelahan at opisina. (Ulat ni Ricky Bautista)

AEDES AEGYPTE

AEDES ALBOPICTUS

DENGUE H-FEVER

DEPARTMENT OF HEALTH

EASTERN SAMAR

EASTERN VISAYAS

NORTHERN SAMAR

REGIONAL EPIDEMIC SURVEILLANCE

RICKY BAUTISTA

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with