Hiniwalayan ni misis; 2 anak pinatay ng ama, bago
August 20, 2001 | 12:00am
OBANDO, Bulacan Isang magkapatid na batang babaet lalaki ang iniulat na pinatay sa sakal ng sariling ama bago ito nagpakamatay makaraang hiwalayan ng kanyang misis magmula pa noong July 30, 2001 sa Brgy. Paco, Obando ng nabanggit na lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang magkapatid na pinatay ng ama na sina Melody, 3-anyos at Alejandro Gorduiz, Jr., 8-buwang gulang habang ang ama na nagpakamatay ay kinilalang si Alejandro Gorduiz, Sr., 25, isang vendor ng RTW at residente ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bago magpakamatay ang ama sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso at pagbigti, ito ay nag-iwan ng suicide note sa asawang si Marites Makale na nagsasabing "patawarin siya sa ginawang krimen".
Ayon pa sa ulat ng pulisya, sa hindi mabatid na dahilan ay iniwanan na lamang ni Marites ang pamilya noong July at magmula noon hanggang sa kasalukuyan ay walang kontak na namamagitan sa mag-asawa.
Nabatid sa pagsisiyasat ni SPO1 Virgilio Camacho na isinumite kay P/Chief Insp. Rene Casis, hepe ng pulisya ng bayang ito, naganap ang krimen sa pagitan ng alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng pamilya Gorduiz sa naturang barangay.
May teorya ang pulisya na napraning ang ama ng magkapatid dahil sa hindi makayanang paghihiwalay nilang mag-asawa kaya nagawa ang naturang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended