Obrero durog sa stamping machine
August 19, 2001 | 12:00am
CARMONA, Cavite Isang factory worker ang iniulat na nadurog ang katawan at namatay makaraang mabagsakan ng stamping machine sa pinapasukang pabrika sa bayang ito kahapon ng umaga.
Ang biktima na dead on the spot ay kinilalang si Bernardo Carpio, 38, may asawa, trabahador ng Miumi Technology Incorp. sa People Technology Complex at residente ng 1744 Road Fabe State, Sta. Ana, Maynila.
Sa imbestigasyon ni PO1 Richard Mojica na isinumite kay P/Chief Insp. Nestor Mendoza, hepe ng pulisya ng bayang ito, na naganap ang pangyayari dakong alas-9 ng umaga habang ang biktima at ilang kasamahan sa trabaho ay inatasang mag-deliver ng stamping machine sa Lyton Complex sa naturang lugar.
Nilagyan umano ng panangkal ang ilalim ng stamping machine bago pinagtutulungan buhatin habang ang biktima ay nasa ilalim nito.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumigay ang inilagay na panangkal sa stamping machine kaya bumagsak ito sa biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest