Ang biktima na nasa pangangalaga ngayon ng Mauban DSWD ay itinago sa pangalang Lea, tubong Calamba City, Laguna at kasalukuyang residente ng naturang lugar, mabilis nadakip ang inireklamo na si Carmen Agustin, 46.
Base sa salaysay ni Lea kay P/Supt. Faustino Euste, chief of police sa bayang ito, hindi niya akalaing ganito ang gagawin sa kanya ng ina-inahan matapos ang mahabang panahon ng kanilang pagsasama.
Kinupkop umano ng suspek ang biktima mula ng lumayas sa kanilang bayan at halos sa suspek na siya nagkaisip.
Dahil sa sobrang kahirapan ay ibinubugaw umano ang biktima ng kanyang ina-inahan sa mga kabataan sa kanilang lugar.
Matagal na umanong ibinubugaw ng suspek ang kanyang anak-anakan subalit hindi makatutol ang biktima dahil binubugbog at itinatali ito sa puno oras na magreklamo.
Nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang biktima kamakalawa ng tanghali saka nagsumbong sa kanilang kapitan ng barangay na si Leonching Monteverde na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)