Nagduwelo kapwa todas
August 16, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dalawa katao kabilang ang isang dating pulis ang iniulat na nasawi makaraang magbarilan ang dalawa sa harapan ng Brgy. Hall ng Sta. Maria, Talisay, Batangas, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Jovencio Ornales at dating pulis na si SPO4 Vicente Luna na kapwa residente ng naturang lugar.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Batangas Regional Hospital si Brgy. Tanod Domingo Mendoza, na binaril ni Ornales sa hita bago pa magbarilan ang dalawa.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-8 ng gabi habang nagwawala si Ornales na lango sa alak at naghahamon ng away sa mga kapitbahay.
Subalit binalewala ito ng mga kapitbahay na lalaki dahil sa may hawak na baril si Ornales at nagpapaputok sa ere.
Nagkataon namang narinig ni Luna ang kaguluhang likha ni Ornales kaya tinungo ang kinaroroonan nito at nagkaroon ng mainitang komprontasyon subalit nauwi sa barilan ang dalawa na kapwa namatay. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended