^

Probinsiya

Special plebiscite sa Palawan at Basilan itinakda

-
Magsasagawa ng special plebiscite ang Commission on Elections (Comelec) sa may 6 na munisipalidad ng Palawan at isang bayan sa Basilan makaraang hindi makarating ang mga ballot boxes at election paraphernalias sa itinakdang oras.

Napag-alaman kay Comelec Commissioner Resurrecion Borra na kabilang sa isasagawang special plebiscite ay ang mga bayan ng Dumaran, Cuyo, Ayutaya, Cagayan Cillio, Magsaysay at San Vicente sa Palawan habang sa Basilan naman ay ang bayan ng Tuluran.

Gayunpaman, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon na dapat balewalain ng Comelec ang ginanap na ARMM plebiscite dahil sa naganap na dayaan.

Hindi umano siya kumbinsido sa naging pahayag ng Comelec na umabot sa 97 hanggang 98 porsiyento ang bumoto sa Marawi City.

Ayon sa kongresista, malabong mangyari ito dahil sa kasaysayan ng botohan sa kanyang lalawigan ay 70 porsiyento lamang ang nairerehistrong pinakamataas na bilang ng mga bumoto.

Nabatid pa sa kongresista na nito lamang Agosto 13, isang araw bago idaos ang plebisito, ipinagkaloob ang materyales sa linguwaheng hindi pa lubos na maintindihan ng kanyang mga kababayan.

Dapat din umanong siyasatin ng Kongreso ang napaulat na naantala ang pagpapadala ng information materials na may kaugnayan sa ARMM plebiscite.

Samantala, ikinasiya naman ng Malacañang ang naganap na mapayapang plebisito sa Mindanao na aabot sa 50 hanggang 60 porsiyento ng botante ang lumahok.

Sinabi ni National Security Adviser Roilo Golez na kakaunti lamang ang bomoto sa Sulu dahil ikinampanya ni dating ARMM Governor Nur Misuari na iboykot ang plebisito. (Ulat nina Jhay Mejias, Malou Rongalerios at Lilia Tolentino)

BASILAN

BENASING MACARAMBON

CAGAYAN CILLIO

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RESURRECION BORRA

GOVERNOR NUR MISUARI

JHAY MEJIAS

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

MARAWI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with