^

Probinsiya

Chopper crash: 6 sugatan

-
Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang opisyal at apat na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) nang aksidenteng bumagsak ang sinasakyan nilang chopper sa Davao International Airport sa Davao City kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PAF Chief Lt. General Benjamin Defensor Jr., na ang nag-crash ay ang Huey helicopter na nasa pangangasiwa ng 250th Tactical Helicopters Wing na nakatalaga sa nasabing lungsod.

Nabatid na nagsasagawa ng isang check flight sa pagitan ng alas-9 at 9:30 ng umaga ang mga pilotong sina Captain Matthew Ramillano at ang co-pilot nitong si Lt. Francis Imperial kasama ang apat na flight crew ng magkaroon umano ng aberya ang nasabing chopper.

Kaya napilitan na mag-force landing ang piloto sa runway 105 ng airport nang biglang kumalas ang buntot ng chopper .

Sumadsad ang chopper kaya naman nawasak ang proppler nito na suwerte namang agad nakalabas ang mga biktima.

Maituturing na himala ang pagkaligtas ng mga opisyal kabilang ang mga flight crew na sina Sergeants Santos, Filoteo, Villareal at Rellon dahil halos durog ang nasabing sasakyan.

Nagtamo lamang ng mga gasgas at sugat sa katawan ang mga biktima na nilalapatan ng lunas sa Davao Medical Center.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang mabatid ang sanhi ng pagkabagsak ng chopper. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAPTAIN MATTHEW RAMILLANO

CHIEF LT

DAVAO CITY

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

DAVAO MEDICAL CENTER

FRANCIS IMPERIAL

GENERAL BENJAMIN DEFENSOR JR.

JOY CANTOS

PHILIPPINE AIR FORCE

SERGEANTS SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with