Ayon kay Shariff Julabbi, senior leader ng MILF, wala silang bahagi sa gaganaping botohan bagaman karapatan ng gobyerno na magpatupad ng plebisito dahil ito ay kusang kasunduan ng GRP at Moro National Liberation Front.
"Wala kaming nilagdaang kasunduan ukol sa plebisito," ani Julabbi bagaman hindi nila pinagbabawalan ang kanilang mga tauhan na sumali sa botohan.
Sinabi pa ni Julabbi na itinuturing ng MILF na sila ay mga mamamayan ng Bangsa Moro na isang kilusan sa pagkakaroon ng kahiwalay na estado.
Nagpalabas siya ng proklamasyon na nagdeklarang special non-working holiday sa mga lugar na saklaw ng plebisito.
May kabuuang 4.906 milyong botante ng 15 lalawigan at 14 na siyudad ng Timog Mindanao gayundin ang Palawan ang kalahok sa plebisito. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)