Estudyante binoga ng ex-police, grabe

DASMARIÑAS, Cavite – Isang 2nd year college student ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang barilin sa leeg ng dating pulis sa hindi nabatid na dahilan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Salawag ng bayang ito.

Ang biktima na inilipat sa Phil. General Hospital dahil sa kritikal na kalagayan ay kinilalang si Bryan Kenneth Agbayani, 20, binata, estudyante ng NCST at residente ng Blk 22, Lot 4 Diamond Village ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Bienvenido Gonzales, alyas Ben Hubad, dating pulis ng lungsod ng Pasay at residente ng Blk. 19 Lot 42 Opal St. Diamond Village ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay, may hawak ng kaso, naganap ang krimen bandang ala-1:30 ng madaling araw habang ang biktima ay naglalakad papauwi. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments