Suspek sa rape/slay ng 10 anyos, nadakip

NAIC, Cavite – Nadakip ng mga kagawad ang pulisya ang isa sa mga pangunahing responsable sa panggagahasa at pagpatay sa isang 10-anyos na batang babae noong Linggo ng gabi sa Sitio Pritil, Brgy. Makina ng bayang ito.

Ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Naic PNP detention cell ay kinilalang si Eduardo Naldo, may sapat na gulang ng Brgy. Maname ng naturang lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya na si Naldo ay positibong itinuro ng kaklase ng biktima na isa sa nang-rape/slay sa biktmang si Mary Joy Jimelo sa loob ng sementeryo.

Magugunitang hinarang ng mga hindi kilalang kalalakihan ang biktima habang ito ay naglalakad papauwi buhat sa simbahan saka sapilitang dinala sa sementeryo. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments