Amain tinodas dahil sa selos
August 13, 2001 | 12:00am
Dahil sa sobrang panibugho at hindi matanggap na desisyon ng kaniyang ina, tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ng isang binata ang kanyang amain sa Iloilo City, kamakalawa.
Idineklarang patay sa Janiuay District Hospital bunga ng tinamong maraming tama ng saksak sa katawan ang biktima na si Dionisio Lenteja, 50, manggagawa habang naaresto naman ang suspek na si Ricky Mogato, 25, may-asawa, driver at residente ng Brgy. Tambail ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa Brgy. Don Teburcio, Lutero West sa tinutuluyan ng biktima kasama ang hindi nakilalang ina ng suspek.
Lasing umano na dumalaw ang suspek at agad nitong kinompronta ang biktima.
Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, masasakit na salita daw ang namutawi sa bibig ng suspek at sinisisi nito si Lenteja dahil sa umanoy kamalasan na dinaranas sa buhay ng kanyang ina matapos na muli itong mag-asawa.
Sa pakiramdam umano ng suspek ay tuluyang inagaw ng kaniyang stepfather ang atensiyon at pagmamahal ng kaniyang ina kayat nagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am