^

Probinsiya

Pamilya na sakay ng traysikel sinalpok ng truck; mag-asawa todas, 2 anak malubha

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang mag-asawa ang iniulat na nasawi samantalang kritikal namang isinugod sa pagamutan ang kanilang dalawang anak makaraang salpukin ng isang rumaragasang sasakyan ang kanilang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Magpapalayok, San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang nasawi na sina Dan at Liza delos Santos, ng Brgy. Magpapalayok ng naturang lugar.

Samantala, malubhang isinugod sa pagamutan ang kanilang anak na sina Jonalyn, 3 at Jin-Jin, 1, matapos magtamo ng mga sugat sa kanilang mga katawan bunga ng naganap na trahedya.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng madaling-araw nang maganap ang pangyayari habang ang mga biktima ay lulan ng isang tricycle patungo sa palengke sa bayan ng San Leonardo nang salpukin ng isang Isuzu pick-up na may plakang WTR-307 na minamaneho ni Fortunato Colorado, 29, ng Brgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija.

Si Colorado ay kaagad namang sumuko sa mga awtoridad at sasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at frustrated homicide. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BAGTING

BRGY

FORTUNATO COLORADO

GABALDON

JEFF TOMBADO

MAGPAPALAYOK

MAHARLIKA HIGHWAY

NUEVA ECIJA

SAN LEONARDO

SI COLORADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with