^

Probinsiya

22 MILF rebels sumuko

-
COTABATO CITY — Tinatayang aabot sa dalawampu’t dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels na responsable sa sunud-sunod na pagpapasabog sa South Cotabato-Sarangani-Gen. Santos City (Socsargen) area ang iniulat na boluntaryong sumuko sa pamahalaan kamakalawa.

Sa isang simpleng seremonya sa Gen. Santos City na pinangunahan ni Vice President Teofisto Guingona, ang mga nagsisukong MILF rebels ay kabilang sa 81 rebelde na kusang-loob na sumuko na nangakong makikipagtulungan sa anumang programa ng gobyerno.

Napag-alaman kay Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division, na ang grupo ng mga rebelde na nagsisuko ay pinamumunuan ni Najib Akmad alyas kumander Faisal.

Dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng PNP Regional Office 12 at 601st Brigade na nakabase sa Sarangani ay naisakatuparan ang naturang pagsuko ng mga rebelde. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

DAHIL

FAISAL

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAJOR JULIETO ANDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAJIB AKMAD

REGIONAL OFFICE

SANTOS CITY

SOUTH COTABATO-SARANGANI-GEN

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with