^

Probinsiya

Tubig sa bulkang Pinatubo umaapaw na!

-
BOTOLAN, Zambales – Daan-daang residenteng naninirahan sa dalisdis ng bulkang Pinatubo ang nagsilikas kahapon makaraang umapaw ang tubig lahar sa bukana ng lawa ng bulkan bunsod na rin sa walang puknat na pagpatak ng ulan dulot ng masamang panahon.

Inalerto ng mga awtoridad sa pamumuno ni Mayor Roger Yap ang mga residente sa mga Barangay Beneg, Tampo, Paco, San Miguel, Bangan at Capayapawan sa panganib na haharapin ng mga ito sa sandaling umagos na ang 165,000 metro kubiko ng tubig lahar sa mababang bahagi ng kabayanan.

Umaabot sa may 16,000 katao ang apektado kapag umapaw ang tubig lahar na dadaloy sa Bucao river na tanging nilalagusan ng tubig lahar.

Ang nasabing metro kubiko ng tubig lahar na aagos ay sapat na upang burahin ang mapa ng Zambales. (Ulat ni Erickson Lovino)

BANGAN

BARANGAY BENEG

BUCAO

CAPAYAPAWAN

DAAN

ERICKSON LOVINO

INALERTO

MAYOR ROGER YAP

SAN MIGUEL

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with