2 bagets na informer ng pulisya itinumba ng NPA
August 10, 2001 | 12:00am
Dalawang bagets na umanoy informer ng pulisya ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) kamakalawa sa Baganga, Davao Oriental.
Nakilala ang mga biktima na sina Joseph Francisco,18 at Melvin Cartin,19 na kapwa residente ng Sitio Kabutungan, Bgy. Kinablangan ng nasabing bayan.
Agad na namatay ang mga biktima sa insidente dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame ng Police Regional Office 11, bandang alas-11 ng gabi nang abangan at bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek ang dalawang biktima sa bisinidad ng Sitio Kabuyawan ng nasabing lugar habang ang mga ito ay papauwi sa kanilang mga tahanan.
Matapos na masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang lugar.
Isang hot pursuit operation ang inilunsad ng Baganga PNP at 30th Special Forces Company ng Philippine Army laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended