^

Probinsiya

Nene isinilid sa sako bago itinapon sa ilog

-
NAIC, Cavite – Natagpuan kahapon ng umaga sa isang ilog ng Sitio Pritil, Bgy. Makina ang hubad na bangkay ng isang 10 taong gulang na batang babae na nakasilid sa sako na umano’y matagal nang nawawala.

Ang biktima na halos naaagnas at nakatali pa ang mga kamay at paa ay nakilalang si Mary Joy Jimelo, grade 3 pupil, residente ng Callejon St., Bgy. Malainen Bago ng bayang nabanggit.

Sa ulat ng pulisya na bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang nasabing bangkay na nakasilid sa isang sako.

May butas ang bahaging ulo ng biktima na pinaghihinalaang pinalo ng kahoy na may pako sa dulo na naging dahilan nang agaran nitong kamatayan.

Pinaghihinalaan din na pinahirapan muna ang biktima ng mga hindi pa nakilalang mga suspek dahil sa mga tadtad na sugat nito sa buong katawan.

Batay sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima sa pulisya na dakong alas-4: 30 ng hapon noong nakalipas na linggo ay nagpaalam ito para magsimba at simula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay.

Kaya naman inireport ng mga magulang ang pagkawala ng biktima sa pulisya.

Sa kasalukuyan, ini-eksamin ang bangkay ng biktima kung ito ay hinalay ng mga hindi pa kilalang mga suspek. (Ulat nina Cristina Timbang at Mading Sarmiento)

BATAY

BGY

BIKTIMA

CALLEJON ST.

CRISTINA TIMBANG

MADING SARMIENTO

MALAINEN BAGO

MARY JOY JIMELO

SITIO PRITIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with