Mag-ina nalitson nang buhay
August 10, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang mag-ina na nalitson nang buhay sa naganap na sunog na tumupok sa kanilang tahanan matapos na tangkaing sagipin ng ina ang kanyang anak na nakulong sa kuwarto sa Barangay Claro M. Recto, Angeles City, Pampanga, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mag-inang sina Teresita Galang, 62 at ang anak na si Angie, 24, kapwa naninirahan sa nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, nagsimula ang sunog dakong alas-10:15 ng gabi sa tahanan ng mga biktima matapos umanong matumba ang nakasinding lampara na kanilang ginagamit na pang-ilaw sa kanilang dalawang palapag na bahay.
Napag-alaman pa sa ulat na nang simulang kumalat ang apoy ay nasa labas ng bahay ang ina at mabilis itong tumakbo papasok upang sagipin ang kanyang anak na nakulong sa kuwarto subalit, sinawimpalad na hindi rin makalabas dahil sa makapal na ang usok at apoy.
Natagpuan ng mga nagrespondeng mga bumbero ang sunog na bangkay ng mag-ina sa unang palapag ng kanilang bahay.
Napag-alaman pa na ang kanilang tinutuluyang bahay ay matagal na umanong hindi nabibigyan ng linya ng kuryente simula pa noong sumabog ang bulkang Pinatubo noong 1991. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest