200 puslit na cellphone nasabat
August 9, 2001 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Limang malalaking kahon na naglalaman ng umaabot sa 200 pirasong smuggled brand new cellular phones ang nasabat ng mga tauhan ng Subic Bay Metropolitan Authority-Law Enforcement Division (SBMA-LED) nang tangkain itong ipuslit palabas sa naturang Freeport, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na tinanggap ni Chief Insp. Roberto Quenery, hepe ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng SBMA, ganap na alas-3:35 ng madaling araw kahapon ng masabat ng mga tauhan ng LED sa pangunguna ni Security Officer Romeo Guray na nakatalaga sa Port Sentinel Branc, ang isang kulay abong Hyndai Grand Saloon na may plate number UMV-835 na palabas ng Subic Bay Freeport na dumaan ng Post No. 5 Kalaklan Gate.
Kinumpiska ang limang malalaking kahon na naglalaman ng may 200 piraso ng brand new cellular phone na Mitsubishi Trium cellphones; model Mars na nagkakahalaga ng P7,000 bawat isa.
Inaresto din sina Rommel Sardina, 25, ng 112 Irving Street, East Tapinac, Olongapo City at Roy Apostol, 29, driver ng nasabing sasakyan.
Sa isinagawang follow-up investigation ng pulisya, ang mga cellphones na nakumpiska ay pag-aari ng isang Manuel Garbriel at "Happy" na kapwa mga empleyado ng Federal Express Corporation sa Cubi Point, SBFZ. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended