^

Probinsiya

P800-M sinunog ng shabu sisiyasatin ng Napolcom

-
Bumuo ngayon ang National Police Commission (Napolcom) ng isang special investigating team upang siyasatin ang umano’y anomalya sa ginawang pagsunog ng may 482 kilo na shabu na nagkakahalaga ng P800 milyon sa Pangasinan.

Ang pahayag ay ginawa ng Napolcom matapos na makatanggap ng impormasyon na palihim na ginawa ang pagsunog ng droga noong Nobyembre 5, 1999.

Kasabay nito, mahigpit na nagbabala si Napolcom Vice-Chairman at Executive Officer Rogelio Pureza na papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa katiwaliang ito.

Ang anomalya ay unang isiniwalat ni dating Pangasinan Vice Governor Gonzalo Duque na malaki ang kanyang paniniwala na walang nangyaring pagsunog ng droga at sa halip ay ini-recycle ito at muling ibinenta.

Idinagdag pa ni Duque na ang pinagkakitaan sa pagbebenta ng nakumpiskang droga na pinaniniwalaang mula sa China ay ginamit bilang campaign funds ng isang kilalang kandidato sa lalawigan.

Mas lalong pinagdudahan ang sinasabing shabu burning na ito matapos na kuwestiyunin ni Duque ang kabiguan ng pulisya na mag-imbita ng sinumang lokal na opisyal para saksihan ang pagsunog.

Maging si Pangasinan PNP Provincial Director Leopoldo Bataoil ay nagsabing kailan lamang niya nalaman ang tungkol sa pagkakakumpiska sa droga gayundin ang pagsunog dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUMUO

DUQUE

EXECUTIVE OFFICER ROGELIO PUREZA

LORDETH BONILLA

NAPOLCOM

NAPOLCOM VICE-CHAIRMAN

NATIONAL POLICE COMMISSION

PANGASINAN

PANGASINAN VICE GOVERNOR GONZALO DUQUE

PROVINCIAL DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with