Nabatid kay PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr., naganap ang engkuwentro bandang 5:45 ng hapon makaraang masagi ng sasakyan ng Task Force Banahaw ang sasakyan naman ng mga kagawad ng San Pablo PNP.
Napag-alaman na hindi magkasundo ang mga sundalo na pinaniniwalaang mga lango sa alak laban sa mga pulis kaya nagbarilan na lamang ang mga ito.
Kaagad na napatay ang isang nagngangalang Sgt. Cerdenia ng Phil. Army na nakabase sa San Pablo City.
Matapos ang putukan ng magkabilang panig at napatay ang isa sa kasamahan ng Task Force Banahaw ay nagkataon naman naiwan si SPO1 Armando Demejes kaya sapilitang dinala ito ng mga sundalo sa kanilang kampo at doon pinahirapan bago patayin.
Nailabas lamang ang bangkay ni Demejes mula sa kampo dahil sa pakikipag-ugnayan ni San Pablo Mayor Florante Aquino kay Phil. Army Col. Palparan.
Si SPO1 Jerryson Laguras naman na isang imbestigador na katulad ni Demejes ay nakaligtas sa pakikipagbarilan sa tropa ng Task Force Banahaw. (Ulat ni Ed Amoroso)