Bus vs truck: 2 patay, 4 grabe
August 8, 2001 | 12:00am
ALFONSO, Cavite Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyang truck ng mga biktima sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa Brgy. Upli ng bayang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawing biktima na sina Manuel Maligaya, 22, may asawa at driver ng elf truck ng Brgy. Kayapas, Magallanes, Cavite at Leonila Blanca, 49, pasahero ng nabanggit na truck.
Samantala, ang mga biktimang malubhang nasugatan na ngayon ay nasa Dela Salle University Medical Center ay nakilalang sina Rommel Rollo, 18, Rochelle Maligaya, 14, Lucita Tanuyan, 46 at Roxanne Maligaya na pawang mga residente ng naturang lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Robencio Constantino, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente bandang alas-9:40 ng umaga habang bumabagtas sa nabanggit na highway ang minamanehong truck ni Maligaya na may plakang DTR-325.
Dahil sa madulas ang kalsada ay biglang nawalan ng kontrol ang driver ng truck kaya kinabig nito pakaliwa subalit hindi napansin ang paparating na pampasaherong bus na may body no. 1870 kaya nagkasalubong ang dalawang sasakyan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended