^

Probinsiya

P.1M sa ulo ng 10 most wanted

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Tinatayang aabot sa halagang P.1 milyon ang ibibigay na reward ng pamunuan ng Cavite PNP sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa 10 most wanted na may mga kasong murder na nakabinbin sa iba’t ibang korte ng naturang lalawigan.

Kinilala ni P/Chief Insp. Alfredo Corpuz, hepe ng Intelligence and Investigation and Detection Group (IIDG) ang mga wanted na sina Romeo Geslego sa bayan ng Silang; Numeriano Bayas ng Gen. Trias; Larry Prieto ng Trece Martirez City; Danilo Beloso ng Brgy. Alingaro, Gen. Trias; Lino Sosa ng Brgy. Bucal, Tanza; Allan Erni ng Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City; Dame Sosa ng Brgy. Tres Cruses, Tanza; Baitano Perez; Ruel Nuestro ng Brgy. Guingona, Tagaytay City at Wilfredo Bacolod ng Brgy. Innocencio, Trece Martirez City.

Napag-alaman pa na ang 10 most wanted ay nakalagay na sa listahan ng Cavite PNP Order of Battle at itinuturing na public enemy no. 1.

Sa kasalukyan ay nagsasagawa na ng dragnet operation ang Cavite PNP sa 10 most wanted. (Ulat ni Mading Sarmiento)

ALFREDO CORPUZ

ALLAN ERNI

BAITANO PEREZ

BRGY

CAVITE

CHIEF INSP

DAME SOSA

DANILO BELOSO

DE OCAMPO

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with