^

Probinsiya

350 kilo na 'hot meat' nasabat

-
OLONGAPO CITY – Umaabot sa 350-kilo ng mga kinatay na karne ng hayop ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo City Police Office (OCPO) at City Mobile Group, kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabalan sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat na isinumite ni Olongapo City Police Office (OCPO) Director Supt. Danilo Torio-Empedrad, nasabat ng pulisya ang isang XLI type jeep na may plakang CLY 117 na naglalaman ng mga karne ng baka at kalabaw.

Ganap na alas-10:45 ng gabi nang masabat ng pulisya ang naturang sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Cabalan sa naturang lungsod.

Ang naturang "hot meat" ay pag-aari umano ni Sonia Mediabillo, 42, residente ng Cristobal St. Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Nabatid sa ulat ng pulisya, ang mga karne ay kinatay sa Dinalupihan, Bataan saka pinasok sa naturang lungsod ng walang kaukulang mga dokumento.

Napag-alaman pa sa ulat na dalawang meat officials sa naturang lungsod ang dumating sa tanggapan ng OCPO at sinabihan ang mga awtoridad na pakawalan ang mga nahuling hot meat. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BARANGAY CABALAN

CITY MOBILE GROUP

CRISTOBAL ST. BARANGAY STA

DANILO TORIO-EMPEDRAD

DIRECTOR SUPT

JEFF TOMBADO

NATIONAL HIGHWAY

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY POLICE OFFICE

SONIA MEDIABILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with