Postmaster, trader dedo sa ambus
August 7, 2001 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Isang postmaster, trader ang tinambangan at napatay ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa magkahiwalay na barangay habang ang mga ito ay lulan ng kanilang sasakyan noong nakaraang linggo.
Kinilala ng Pangasinan PNP ang mga biktima na sina Conrado Licudo, postmaster sa bayan ng Balungao at residente ng Brgy. San Pedro East, Rosales at Aurelio Herrero, 34, junk owner ng Brgy. Magtaking, San Carlos City.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Licudo ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo patungong direksyon ng timog nang biglang bistayin ng bala ng baril ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Baket-Baket sa bayan ng Rosales noong nakaraang linggo.
Samantala, si Herrero naman ay inambus at napatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho ng kanyang L-200 pick-up sa kahabaan ng Brgy. Dorongan Punta sa bayan ng Mangatarem noong Biyernes.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na kasalukuyang kasama ni Herrero ang asawa subalit nakaligtas ito sa tiyak na kamatayan.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang may gawa ng krimen at motibo ng pananambang sa dalawang biktima. (Ulat ni Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest