Magsasaka todas sa bayaw
August 6, 2001 | 12:00am
TANZA, Cavite Isang magsasaka ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang bayaw makaraang mapikon ang huli sa pagbibirong ginawa ng biktima kamakalawa ng hapon sa Brgy. Calibuyo ng bayang ito.
Kinilala ni P/Supt. Jaime Caringal, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si Gavino Estacio, 52, ng Brgy. Calipuyo ng naturang lugar.
Habang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Felimon Mintu, may sapat na gulang, bayaw ng biktima at residente ng nabanggit ding barangay.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Celino Javier, may hawak ng kaso, naganap ang krimen bandang 5:30 ng hapon habang nag-iinuman ang mag-bayaw kasama ang ilang kaibigan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nagkaroon ng kantiyawan ang magbayaw hanggang sa mapikon ang suspek bago nagpaalam sa grupo na uuwi subalit nang bumalik ay dala na ang shotgun at pinaputukan ang biktima hanggang sa mapatay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended