P65-M marijuana nasamsam sa Davao del Sur
August 5, 2001 | 12:00am
Tinatayang umaabot sa halagang P65 M ng marijuana at binhi nito ang nasamsam ng pinagsanib na operatiba ng pulisya at ng mga sundalo matapos ang maikling pakikipagpalitan ng putok sa 100 armadong kalalakihan sa isang pagsalakay sa plantasyon ng marijuana sa Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Sa report kahapon ni PNP-Narcotics Group Director,Chief Supt. Reynor Gonzales kay PNP Chief Director Leandro Mendoza na pinaniniwalaang ang nasagupa ng tropa ng pamahalaan ay mga miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang mga marijuana at mga binhi nito ay nasamsam sa loob ng limang hektaryang plantasyon sa bulubundukin ng Sitio Asbang Puyo at Sitio Gumaticuna na nasasakupan ng Bgy. Kimlawis, Davao del Sur.
Sinabi ni Gonzales na pinangungunahan ni Supt. Efren Alcusar, pinuno ng 11th Regional Narcotics Office ang isinagawang pagsalakay subalit hindi agad makapasok ang mga ito dahil sa nagkalat na snipers na nagbibigay ng proteksyon sa naturang marijuana plantation.
Bunga nito,dalawang helicopter ng PAF ang kaagad na nagtungo sa nasabing lugar upang sumuporta sa ground forces ng mga sundalo at pulisya.
Pagkalipas ng ilang oras ay matagumpay na nakubkob ng mga operatiba ng pamahalaan ang nasabing plantasyon matapos na magsi-atras sa labanan ang mga nagmamantine nito.
Sa kasalukuyan ay dalawa pa lamang caretakers ng nasabing plantasyon ang nakilala sa mga pangalang sina Vicente Tayak alyas Lat at isang alyas Got. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended