Negosyanteng nagbenta ng carnap vehicle kay Rod Navarro, dinakip
August 5, 2001 | 12:00am
Kalaboso ang inabot ng isang mayamang negosyante matapos na ito ay ireklamo ng tinaguriang mahangin aktor at komentaristang si Rod Navarro makaraang ito ay mairita sa pag-alok sa kanya ng una ng nakaw na sasakyan kamakalawa sa isang operasyon sa lalawigan ng Bulacan.
Sa report na isinumite kahapon sa tanggapan ni PNP-Traffic Management Group (TMG) Director Chief Supt. Renato Paredes, ang suspect ay nakilalang si Hernando Cruz,64, ng Poblacion, Plaridel ng nasabing lalawigan dahil sa tangka nitong pagbebenta ng carnap vehicle kay Navarro.
Tinawagan umano ni Navarro ang tanggapan ng PNP-TMG kamakalawa at sinabi nito na siya ay naghihinala sa suspect na nagbebenta ng nakaw na kulay puting Toyota Corolla na may plakang UFB-248 kayat nais nitong ipasiyasat.
Nagtungo kamakalawa ng gabi sina Insps. Ferdinand Villanueva at Rico Sandoval ng PNP-TMG sa Grand Boulevard Hotel sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila na kung saan ay magaganap ang bayaran.
Matapos ang negosasyon sa pagitan nina Navarro at Cruz, gamit ang hindi pa madeterminang bilang ng salapi ay agad sumulpot ang mga nakaposteng mga pulis at inaresto ang suspect.
Nabatid ng pulisya na nakaw nga ang nasabing sasakyan na ibinebenta kay Navarro at batay sa rekord ay pag-aari umano ito ng isang Aurea Abrasaldo ng Project 2,Quezon City na sapilitang inagaw sa Robes 11 Subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan noong Mayo 27, 2000.
Ang suspect ay nakakulong ngayon sa PNP-TMG detention cell sa Camp Crame. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest