Patuloy na inaalam ng pulisya ang mga apelyido ng nasawing mag-asawang sina Danny at Liza habang kritikal naman ang dalawa nitong anak na sina Jonalyn, 3 at Janjin,1 dahil sa pagkabali ng mga buto nito sa katawan.
Samantala, boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspect na si Fortunato Colorado Jr., 29, ng Bgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija, drayber ng nasabing truck na may plakang WTR 307.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-5:40 ng umaga ay nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang suspect sa nasabing lugar na naging dahilan para mabundol ang tri-bike na kinalululanan ng mga biktima.
Ang suspect ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and serious physical injuries. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)