3 anak inasawa ng ama

LUCENA CITY – Isang obrero ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos na ito ay ireklamo ng kanyang asawa dahilan sa ginawang panghahalay sa kanilang tatlong anak na babae sa Barangay Bocohan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang manyakis na ama na si Nelson Magro, may sapat na taong gulang at residente ng naturang barangay.

Natuklasan lamang kamakalawa ng gabi ni Teresita, asawa ng suspek, ang ginawang panghahalay nito sa kanyang tatlong anak na itinago sa mga pangalang Lea, 11; Lani, 8 at Leni, 6, makaraang mag-iiyak ang mga ito.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga biktima sa women’s desk section ng Lucena PNP, isinasagawa umano ng kanilang ama ang makamundong pagnanasa sa kanilang magkakapatid habang wala sa kanilang bahay ang kanilang ina at ang huling panghahalay ay naganap nitong nakalipas na Hulyo 27, 29 at 30 ng kasalukuyang taon. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments