^

Probinsiya

Region 4 naka-red alert laban sa NPA

-
Isinailalim kahapon ng Police Regional Office (PRO) 4 base sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza sa "heightened alert" ang kanilang tanggapan laban sa New People’s Army (NPA), matapos ang naganap na pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa San Mateo landfill, kamakalawa.

Ang hakbang ay upang di na maulit pa ang marahas na pagsalakay ng mga rebelde kamakalawa ng umaga sa San Mateo landfill na may ilang kilometro lang ang layo sa pusod ng Metro Manila.

Base sa pinakahuling intelligence report na nakalap ng pulisya, tinututukan umano ngayon ng NPA ang mga government installations kasama ang iba pang istasyon ng pulisya na matatagpuan sa rehiyon bilang panibagong target nila.

Samantala, inamin naman ni PO4 Director Chief Supt. Dominador Reyes na mahalagang malaman ng pulisya kung saan at kailan susunod na sasalakay ang NPA upang maprotektahan ang kapakanan ng mga inosenteng sibilyan at hindi mawalan ng tiwala sa kanila ang publiko.

Lahat ng tauhan ng PRO 4 ay alerto na ngayon laban sa pinangangambahang pagsalakay na muli ng NPA guerillas. (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DIRECTOR CHIEF SUPT

DOMINADOR REYES

ISINAILALIM

JOY CANTOS

METRO MANILA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with