Preso todas sa barilan

DINALUPIHAN, Bataan – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang nakapugang preso noong Abril 8, 2001sa Dinalupihan Municipal Jail ng mga elemento ng San Fernando at Dinalupihan PNP matapos na makipagbarilan ang biktima kamakalawa sa Brgy. San Pedro, Cutod Purok 7, San Fernando City.

Ang biktima na isa sa mga preso na pumuga at napatay sa pakikipagbarilan sa pulisya ay si Carlito Almene na pinaniniwalaang lider ng mga preso na pumuga noong madaling araw ng nabanggit na petsa.

Nabatid na natunton ng pulisya ang pinagkukutaan ni Almene sa naturang lugar kaya pinaligiran nila ang safehouse subalit imbes na sumuko sa isinagawang negosasyon ay nakipagpalitan ito ng putok sa mga awtoridad na naging dahilan upang gumanti naman ng putok ang kabilang panig na naging sanhi upang ito ay mamatay. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments