Obrero pinatay sa harap ng misis
July 31, 2001 | 12:00am
TIAONG, Quezon Isang obrero ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap mismo ng kanyang asawa ng dalawang di kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nakahiga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lalig sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Felimon Cruzado, chief of police dito ang biktima na si Manolito Mercado, 35, na nagtamo ng di pa mabilang na tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Ernesto Bathan, may hawak ng kaso, dakong alas-11:05 ng gabi habang nakahiga ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay ng makarinig ng mga kahol ng aso.
Ilang minuto pa lamang ay biglang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at pagkakita dito ay malapitang pinaulanan ng punglo sa harap ng kanyang asawa.
Tumakas ang mga suspek lulan ng isang L-300 Van na kulay berde patungo sa direksyon ng Dolores, Quezon.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended