^

Probinsiya

Misis utas sa sagasa ng truck

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang 39-anyos ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng rumaragasang towing truck habang ang biktima ay sakay ng kanyang motorbike na bumabagtas sa kahabaan ng McArthur Highway, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ay nakilalang si Esperanza Feliciano, may asawa ng Purok 2, Brgy. Ibayo, Marilao ng naturang lalawigan.

Samantala, ang driver ng sasakyan na may plakang CCJ-662 ay boluntaryong sumuko sa pulisya ay nakilalang si Pedro Paguio, 65, may asawa ng Brgy. Lias ng bayang ito.

Sa ulat na isinumite kay Bulacan Provincial PNP director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, naganap ang aksidente dakong alas-5:10 ng hapon makaraang lumusot ang biktima sa gilid ng towing truck na nagmamaneho ng kanyang motorbike na may plakang NS-9702.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, bigla umanong kinabig ng driver ang minamanehong truck kaya nahagip ang biktima bago nasagasaan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

ESPERANZA FELICIANO

PEDRO PAGUIO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with