Trader dinedo ng NPA, 2 anak grabe
July 31, 2001 | 12:00am
Binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng itinuturong informer ng pulisya ng nag-iisang hitman ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nagresulta rin sa pagkasugat ng dalawa nitong anak sa naganap na madugong insidente sa Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Nakilala ang nasawi na si Hadji Sanny Gane, 50, habang ang dalawa nitong anak na grabeng nasugatan matapos na tangkaing lapitan ang pinagbabaril nilang ama ay nakilalang sina Bai-Lane Hadji, 7 at Gasper Hadji, 5-anyos.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 13 sa Camp Crame, bandang alas-5:45 ng hapon habang nagbabantay ang biktima sa kaniyang dry goods sa Market Place, Brgy. 3, Poblacion sa bayan ng Buenavista nang biglang sumulpot ang suspek.
Bigla na lamang umanong binunot ng suspek ang dalang baril na nakasukbit sa baywang bago sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.
Sinabi sa ulat na habang pinagbabaril ang biktima ay akmang susugod ang dalawang bata upang lapitan ang kanilang ama kaya nahagip ang mga ito ng tama ng bala.
Ilang saglit pa matapos makasigurong patay na ang target ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Isang hot pursuit operations ang inilunsad ng mga elemento ng Buenavista Municipal Police Station (MPS) upang madakip ang suspek habang patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
51 minutes ago
Recommended