Pinabili lang ng gatas; Police official natagpuang nakalutang sa ilog
July 30, 2001 | 12:00am
Isang police official mula sa Eastern Police District (EPD) na iniulat na nawawala pa noong Hulyo 25 dahil sa inutusan ng asawa na bumili ng gatas ng kanyang anak na babae ang natagpuang patay na nakalutang sa ilog Pasig noong Sabado ng hapon sa Velasquez St., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Ang biktima na kasalukuyang presidente ng homeowners association sa kanilang lugar sa Block 5, Lot 23, Hollywood St., Cresda, Crestaville II, ng naturang lugar ay kinilalang si Inspector German Hepullar, 37 na nakatalaga sa nabanggit na police district.
Ang biktima ay nakatali pa ang dalawang kamay, sugat ang ulo at may dalawang tama ng saksak ng patalim sa katawan ay natagpuan ng mga residente bandang alas-3 ng hapon na nakasuot ng t-shirt na puti na may nakaletrang "San Juan Cop" at brown short pants.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang biktima ay pinag-iinitan ng kanyang mga kapitbahay na lalaki dahil sa kahigpitan nito upang mapanatili ang peace and order sa nabanggit na subd.
Ayon naman kay PO1 Elpidio Castillo na isang kapitbahay ang kinumpiskahan ng samurai at malaking bato ng biktima na pinaniniwalaang nagtanim ng galit.
Inatasan na ni P/Chief Supt. George Aliño, EPD director na sina P/Supt. Leopoldo Galon, operations chief ng EPD at P/Supt. John Sosito, Pasig City chief of police na makipag-ugnayan sa ilang residente sa nabanggit na lugar upang mapadali ang pagdakip sa mga suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended