^

Probinsiya

2 dump trucks,payloader sinunog ng NPA rebels

-
Umaabot sa milyong halaga ang naabo makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang dumptrucks at isang payloader nang salakayin ang compound na pag-aari ng isang engineer sa Asturias, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nabatid na ang insidente ay may kinalaman sa pagtanggi ni Engr. Julito Roden na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebeldeng komunista na nangingikil sa opisina nito.

Dakong ala-1:15 ng hapon nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong rebelde sa compound ng tanggapan na pag-aari ni Roden at hinahanap ang nasabing inhinyero.

Agad na pinalibutan umano ng mga rebelde ang naturang compound na matatagpuan sa Brgy. Sta. Rita, Asturias, Cebu.

Nang di makita ang kanilang pakay ay inumpisahan na ng mga rebelde ang pagsunog sa dalawang dumptrucks at isang payloader sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina.

Wala umanong nagawa ang mga empleyado ni Roden sa takot sa mga armadong rebelde matapos silang tutukan ng baril.

Bago tuluyang lumisan ay sinabi ng mga rebelde na ang kanilang isinagawang panununog ay bilang ganti sa patuloy na pagmamatigas ni Roden na magbayad ng revolutionary tax sa kanilang kilusan. Nagbanta pa ang mga ito na muling babalik at hindi sila titigil sa pananabotahe hangga’t walang revolutionary tax na nakakarating sa kanilang grupo mula kay Roden. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ASTURIAS

BRGY

CAMP AGUINALDO

CEBU

DAKONG

JOY CANTOS

JULITO RODEN

NEW PEOPLE

RODEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with