7 miyembro ng Sayyaf nasakote, 5 sumuko
July 29, 2001 | 12:00am
Pito pang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf kabilang ang pamangkin ni Commander Mujib Susukan ang naaresto ng mga operatiba ng militar habang lima pa ang sumuko sa magkakahiwalay na insidente sa Sulu at Basilan, kamakalawa.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, naaresto ang pamangkin ni Commander Susukan sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Brgy. Lambayong, Jolo, Sulu.
Kinilala ang nahuling suspek na si Mading Jalil, 32, na isinailalim sa kustodya ng Composite Battalion ng Phil. Army sa pamumuno ni Major Maningo matapos na madakip ito sa nasabing lugar bandang 4:15 ng madaling-araw.
Nabatid na bago nalambat si Jalil ay anim na Abu Sayyaf na nakabase sa lalawigan ng Basilan ang nadakip bandang alas-2 ng madaling-araw habang papatakas sa dalampasigan ng Sibago Island.
Ang anim na bandido na kinilalang sina Tali Maadi, Asi Maadi, Ibrahim Maadi, pawang magkakamag-anak; Adil Sahibin, Ahmad Madjid at Kalbi Salowan ay nasukol ng mga elemento ng Phil. Navy habang inaayos ang bangkang gagamitin ng mga ito sa pagpuslit sa Basilan.
Samantala, lima namang miyembro ng Abu Sayyaf ang magkakasunod na sumuko sa mga elemento ng militar sa Talipao, Sulu.
Kinilala ang mga ito na sina Javier Sahibul Imdam, 28; Basir Salik, 35; Jimin Kamsi, 31; Karim Paradji, 40; at Abi Halik, 30. Isinurender din ng mga ito ang lima na M-16 rifles. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest