Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Jaime De los Santos, nabatid na nagdesisyong sumuko ang 34 rebeldeng MILF bunga ng matinding hirap at gutom na dinaranas sa kabundukan.
Ang mga ito ay sumuko kay Major Danilo Espero, Commanding Officer ng Armys 58th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Dadu, Malundo ng nasabing lalawigan.
Ang pagsuko ng mga rebeldeng MILF ay bilang pagtalima sa isinagawang 2nd rounds ng peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panels sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakalipas na Hulyo 24.
Sinabi ni De los Santos na ang mga surrenderees ay pawang miyembro ng Striking Force Brigade, 3rd Internal Security Force ng MILF sa ilalim ng pamumuno ni Commander Bario Langco.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang 60 MM mortal, sampung Rifle Powered Grenade (RPG) na pansamantalang ideneposito sa supply room ng nasabing batalyon ng militar para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)