^

Probinsiya

Waiter patay sa ligaw na bala

-
LUCENA CITY – Isang waiter ang iniulat na nasawi matapos na tamaan ng ligaw na bala ng kalibre .38 na aksidenteng pumutok habang nilalaro ng security guard sa Plaza Foods and Restaurant sa Profugo St. sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng punglo sa kanyang ibabang bahagi ng katawan ay si Lamberto Lacdao, 30, may-asawa at residente ng Abellanosa corner Juarez St. sa lungsod na ito habang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Renato Salvador Jr., 24, binata, ng Barangay Ibabang Iyam.

Sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Marcelino Uy at SPO1 Reynaldo Belarmino, may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas-9:30 ng gabi habang binabantayan ng naturang sekyu ang pinaglilingkurang restaurant.

Ilang minuto ang lumipas ay inilabas umano ng sekyu ang kanyang baril at pinaglaruan subalit kinalaunan ay aksidenteng pumutok bago tumama ang bala sa biktimang waiter na noo’y nakaupo lamang.

Mabilis na isinugod sa Mt. Carmel General Hospital ang biktima subalit hindi na umabot pang buhay. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY IBABANG IYAM

JUAREZ ST.

LAMBERTO LACDAO

MARCELINO UY

MT. CARMEL GENERAL HOSPITAL

PLAZA FOODS AND RESTAURANT

PROFUGO ST.

RENATO SALVADOR JR.

REYNALDO BELARMINO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with