Kinilala ng militar ang mga dinukot ng Sayyaf na sina Salam Salihin, Ottong Adjal at Madawi Abdurahim na nakabase sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na kahapon lamang kinumpirma ng isang alyas Salih na kasamahan ng tatlong CAFGUs ang naganap na pangyayari dakong alas-8 ng umaga noong Sabado.
Ayon kay Salih, pinakawalan siya ng mga bandidong Sayyaf upang iparating sa tropa ng militar na dinukot nila ang mga biktima at planong pugutan kapag hindi tumigil ang militar sa pagpapakalat ng CAFGUs sa nabanggit na lugar.
Nabatid sa ulat ni 103rd Commanding Officer Col. Hermogenes Esperon na aabot na sa 147 miyembro ng CAFGUs ang ipinakalat sa lalawigan ng Basilan partikular sa Brgy. Tabuk at Riverside, Isabela upang hadlangan ang anumang paghahasik ng terorismo ng mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)